Ilang beses na ba ako nakatanggap ng ganitong balita? Kahit nung college, may nagsabi narin sa amin na may nakita daw sila na ganung copy pero di naman kami ang gumawa. Namroblema ako pero lumipas din kasi wala naman kaming proof. Ngayon, may proof at binebenta ng lanataran sa internet! Nag-online agad ako para tingnan. Totoo nga! Yun na yun eh! Iniba lang talaga design! Di ko alam kung galit ako o maasar ako nung nakita ko yun. Basic instinct ko, imessage yung nagbebenta. So sige, minessage ko. Straight English pare. Di ko nga alam kung nabarok na ba ako dun dahil yung emosyon ko nagdidikta sa dalari ko magtype eh.
Taga-commerce siya at feeling ko graduating student na siya ngayon. Nagbebenta talaga siya ng mga bagay-bagay at yun nga, kasama doon yung shirt na may copy ko. Nagreply siya at sabi niya di daw siya ang may idea ng shirt. Nagpaprint lang daw sa kanya ang UST TIGER SHARKS. Binigay lang nila sakanya ang design para iprint niya. Ahhh.. UST TIGER SHARKS. Swimming team ng UST. Yung ang ginawa nilang team shirt nitong UAAP season. Di ko alam kung mafaflatter ako o maasar parin eh. Lumipas ilang oras at nahimasmasan na ako at nakapagisip-isip na ng mabuti. May dalawang argument na pumasok sa isip ko:
a. Masyadong walang kwenta yung DON’T TRIGGER A TIGER na copy kasi naisip ng iba eh. Hindi talaga siya unique. Common lang kaya naisip ng Tiger sharks yun. At isa pa, hindi lang naman ako ang may utak sa mundo para maisip yun. May utak din naman sila. Nagkataon lang na pareho kami ng naisip.
b. Kinopya talaga nila yun sa akin. Hello naman noh! Nirelease naming yung shirt na yun sa internet at sinuot pa ni Dylan Ababou! Di ba sila nagrereasearch bago sila gumawa ng shirt!?
Hindi ko pa sure kung alin sa dalawa ang talagang nangyari. Either way, nalungkot parin ako. V&G ang biggest risk na ginawa ko sa buhay ko. Hindi ko sure kung kikita kami or what nung tinayo naming yun nung 2008. Ang alam lang naming gusto naming gawin yun at who the hell cares kung ano mangyayari. It turned out na bumagsak siya. Kulang sa research, kulang sa promotions, kulang sa lahat. Unang bunga ng V&G ay DON’T TRIGGER A TIGER. Naisip ko siya habang naliligo ako isang umaga bago ako pumasok. Nung magkita kami ni Avs sa school, sinabi ko agad sa kanya. Sabi niya maganda daw so pinursue ko. Ginawan namin ng design. Yung una, palpak. Yung pangalawa, ayos lang. Ngayong pangatlo, sisiguraduhin kong higit pa sa ayos. Kung ano pa man yung totoong nangyari, tinuturing kong anak lahat ng copy na nagawa ko. Released man o hindi. Never ako nangopya. Never akong nagnakaw. Lahat yun galing sa pagpiga ni Avs sa utak ko at pagpipilit niyang umisip ako ng copy. Lahat ng ginawa ko tinuturing kong akin. Ok lang sana kung naisip ko lang yung DON’T TRIGGER A TIGER eh at hindi naging t-shirt. Pero naging t-shirt siya. Tinry naming ibenta. Namigay kami ng onti sa mga kaibigan. Ibig sabihin, akin talaga siya kahit wala akong copyright chuva chuva. Alam kong akin siya. Kung close ka talaga sa akin, alam mo ang tungkol doon.
Inopen ko sa ibang tao yung nangyari pero parang wala naman sila pakilam. Yung isa ko ngang pinagsabihan, ang sabi niya “Eh ano naman? Eh di idemanda mo siya. Ganyan naman talaga ang buhay. At kayo naman kasi may kasalanan niyan.” Napaka-encouraging niya. Na-enlighten ako bigla nung sinabi niya yun. Suuuuper! Yung iba naman, deadma lang. It is either di nila alam irereact kasi heightened emotions ko or wala sila pakialam. So ako naman, di ko na lang inoopen. Dito nalang sa blog para walang direct na comment. Wala naman nagbabasa sa blog na ito. Labasan lang naman talaga ito ng sama ng loob. Ang hirap lang kasi na gusto mo may makausap pero wala ka mahanap. Meron nga, parang tuod naman. Wala reaction. Sa bato nalang kaya ako makipagusap? Atleast ang bato walang mukha. Di talaga lahat maiintindihan ang sentiment ko. Ok fine. Sige, di naman kasi kasikatan ang V&G. Yung ibang tao walang idea na nageexist siya. Ok sige. Oo nalang para wala nalang usapan. Sabi ko nga tatahimik nalang ako eh. Sino ba naman kasi may sabing magdrama ako!?
Hindi ako naging confident noon sa lahat ng ginawa ko. Nahihiya ako sa iisipin ng ibang tao at baka mapangitan sila. Hindi ko na yun gagawin ngayon. I learned my lesson at simula next year pag nag-launch na ulit ang V&G, magiging proud na ako kasi gawa ko yun. Di ko na iisipin sasabihin ng mga tao. Ganun naman kasi talaga. Di ko kaya iplease lahat ng tao. Yung nangayari, kahit na discouraging, gagawin ko nalang challenge para pagbutihin pa. Iniisip ko nalang ngayon, if ever na ang argument B talaga ang nangyari, mafaflatter ako. Astigin pala yung copy ko. Ginamit ng varsity team eh para sa shirt nila. Haha! At kung argument B naman, wala ako pakialam. Irerelease parin ang bagong DON’T TRIGGER A TIGER next year. Sabi nga ng motto namin para sa V&G “Focus and think positive”.